Archive for the mom Category

my mom is a paranoid freak

Posted in mom on February 7, 2012 by armedlittleboy

mom: bumili ka nga ng pito (whistle)

me: ha? at bakit?

mom: eh  malay mo lumindol dito

me: oh eh ano gagawin mo sa pito?

mom: eh kung matabunan tayo? para sisipol na lang tayo para marinig tayo

me: ………………..

Advertisements

replay: si nanay (hindi ito based sa mga tunay na pangyayari. promise)

Posted in mom on January 1, 2012 by armedlittleboy

Nilitanya ni nanay kanina ang mga perwisyo sa kanyang buhay. Nakuha ko ang ika-apat na pwesto, pagkatapos ni aling inday na aming labandera na nasa ikatlo, ang palaging nasisira na telepono sa ikalawa, at si tatay na nakuha ang pinakamataas na parangal. Hindi na ako umasa na mananalo sa listahan dahil alam ko naman na runaway winner na si tatay, no contest kumbaga. Perfect 10! Knockout! Sure win!

Bakit ba naman siya matatalo eh multiple title holder na siya. Lasenggero, sabungero, sugalero, babaero, gago, tarantado, loko-loko, at kung ano pang nagtatapos sa o. Yan eh according sa nanay ko na medyo nagiging bias kapag naghihimay ng toge na iluluto. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga toge na sa tuwing uupo siya upang himayin ay bigla na lang siyang maglalabas ng kanyang mga sama ng loob. Para bang sa bawat paghimay ng toge ay hinihimay na rin niya ang kanyang saloobin sa buhay. Mabuti kamo at minsan sa isang buwan lang kami mag-ulam ng toge sa bahay.

Kadalasan kasi ay nagpapaksiw lang siya ng bangus o ng kanduli o ng ayungin o kung ano man ang pwedeng ipaksiw. Favourite kasi ng aso namin ang paksiw. Ayoko ng paksiw. Ergo, hindi ako ang favourite ni nanay. Matagal ko rin pinag-isipan kung bakit hindi ako ang favourite considering na ako lang naman ang anak niya, hanggang sa hindi na kinaya ng utak ko at tinanong ko na lang siya kung bakit mas pinili niya ang aso, hindi siya sumagot at sa halip ay kinuha niya ang isang supot ng toge mula sa ref. Mabilis akong umalis sa paningin niya. Mahirap na.

my mom is wicked

Posted in mom on August 21, 2011 by armedlittleboy

(me watching TV, Party Pilipinas)

mom: ano yan?

me: Party Pilipinas

mom: anung channel yan?

me: GMA

mom: ay, bakit ang pangit ng mga artista dyan?

me: uhm

my mom is judgmental

Posted in mom on March 21, 2011 by armedlittleboy

me: bakit yung aso nila kumakahol? (referring to a neighbor’s labrador dog, similar to my dog)

mom: oo nga, bakit kaya si shine hindi? (referring to my dog)

me: eh kasi mabait si shine

mom: nakuuu, sabihin mo wala kasi yun silbi

me: (walk out)

my mom is hopeless

Posted in mom on February 20, 2011 by armedlittleboy

(me sitting in the sala, typing on my laptop)

mom: pareho ba kayo ng laptop ng tita mo?

me: ha? anung laptop nya?

mom: yung dala niya dito kanina

me: hindi laptop yun, ipad yun

mom: parang pareho

me: screen lang yun, walang keyboard yun tulad nito

mom: eh bakit nag tytype siya kanina?

me: may keyboard yun sa screen

mom: sabi mo wala

me: wala nga

mom: eh bakit nagtytype kanina?

me: sa screen nga may keyboard

mom: eh di meron nga, sabi mo wala

me: (walks out)

my mom is super evil

Posted in mom on January 17, 2011 by armedlittleboy

(mom holding a white plain sealed package)

mom: ano ba ito?

me: ewan ko

mom: ikaw ang bumili nito eh

me: hindi ko yan binili, hindi ko nga alam kung ano yan

mom: ang tagal na nito dito sa bread box

me: patingin nga, buksan natin para malaman kung ano yan

(me opening the package, the content is yellowish and oatmeal-looking)

me: ano to? parang oatmeal na ewan

mom: (taking the package) ibigay na lang natin kay shine (my dog)

me: wag! baka kung ano mangyari kay shine

mom: eh di mabuti

me: ggrrrr

my mom is super OA

Posted in mom on October 23, 2010 by armedlittleboy

(me still asleep at 11am)

*pounding on my bedroom door

mom: hoy buhay ka pa dyan?!!

me (woke up with a start): W.