replay: si nanay (hindi ito based sa mga tunay na pangyayari. promise)

Nilitanya ni nanay kanina ang mga perwisyo sa kanyang buhay. Nakuha ko ang ika-apat na pwesto, pagkatapos ni aling inday na aming labandera na nasa ikatlo, ang palaging nasisira na telepono sa ikalawa, at si tatay na nakuha ang pinakamataas na parangal. Hindi na ako umasa na mananalo sa listahan dahil alam ko naman na runaway winner na si tatay, no contest kumbaga. Perfect 10! Knockout! Sure win!

Bakit ba naman siya matatalo eh multiple title holder na siya. Lasenggero, sabungero, sugalero, babaero, gago, tarantado, loko-loko, at kung ano pang nagtatapos sa o. Yan eh according sa nanay ko na medyo nagiging bias kapag naghihimay ng toge na iluluto. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga toge na sa tuwing uupo siya upang himayin ay bigla na lang siyang maglalabas ng kanyang mga sama ng loob. Para bang sa bawat paghimay ng toge ay hinihimay na rin niya ang kanyang saloobin sa buhay. Mabuti kamo at minsan sa isang buwan lang kami mag-ulam ng toge sa bahay.

Kadalasan kasi ay nagpapaksiw lang siya ng bangus o ng kanduli o ng ayungin o kung ano man ang pwedeng ipaksiw. Favourite kasi ng aso namin ang paksiw. Ayoko ng paksiw. Ergo, hindi ako ang favourite ni nanay. Matagal ko rin pinag-isipan kung bakit hindi ako ang favourite considering na ako lang naman ang anak niya, hanggang sa hindi na kinaya ng utak ko at tinanong ko na lang siya kung bakit mas pinili niya ang aso, hindi siya sumagot at sa halip ay kinuha niya ang isang supot ng toge mula sa ref. Mabilis akong umalis sa paningin niya. Mahirap na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: