ang labo mo

Dapit-hapon,
kung kailan masyado nang mababa ang sikat ng araw
Ngunit hindi pa rin maaninag ang liwanag ng buwan.
Sa mga oras na ito, nakapinid pa rin ang mga bituin
At iilan pa lamang ang mga ihip ng hangin.
Sa ganitong mga panahon kita naiisip,
Sa mga panahong hindi ganap na panahon
Kung hindi isa lamang lukot
Sa gitna ng mga panahon,
Sa mga oras na walang identidad,
Sa mga bagay na walang katiyakan,
Sa mga patlang na mananatiling mga patlang
sa mga pagsusulit na walang kasiguruhan.
Ikaw ang letrang x sa equation,
Ang may kasariang di tiyak ang kasarian,
Ang mga pelikulang walang tuldok na iniiwan.
Ang tag-araw na maulan,
at ang tag-ulan na ma-araw.

Ikaw ang walang katiyakan,
Ang mahirap at nakalilitong pagsusulit
Na aking tinayuan
Ipinasa ang papel na walang laman
At nangakong hindi na babalikan kailanman.

9 Responses to “ang labo mo”

  1. ampanget na ng mga post mo

  2. okay ang tulang ito. aba, mahusay ka palang makata.

  3. “Ang tag-araw na maulan,
    at ang tag-ulan na ma-araw.”
    😦

  4. this is about what?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: