pinoy movie dialogues 2

1.) Minsan Lang Kitang Iibigian

maricel soriano: Kunwari nasa talk show tayo. Ako ang host. Ikaw ang guest. Unang katanungan. May Relasyon ba kayo ng asawa ko?

zsa zsa: Relasyon?

maricel: Relasyon! Quiiireeeda?!…Kabit?! Number 2!?! Mistress…Relasyon!

zsazsa: Terry!

maricel: Wag mo akong ma-Terry, Terry!!!…Sagutin mo ang tanong ko..Are you fucking my husband?!!!

zsazsa: minsan

2.) Insiang- confrontation scene between mother and daughter

Hilda Koronel: Hindi ko siya inaagaw sa inyo. Ako ang mahal niya’t hindi kayo.
Mona Lisa: Sinungaling!
Hilda Koronel: Magtatanan kami, lalayo kami rito’t pakakasalan niya ako. Wala kayong kwenta sa kanya!
Mona Lisa: Hindi ako naniniwala sayo!
Hilda Koronel: Alam niyo ba kung anong sinasabi niya sakin, kung anong ginagawa niyo sa kanya sa kama para masiyahan lamang siya?
Mona Lisa: Tumigil ka!
Hilda Koronel: Oo inay, alam ko ang lahat! Pinagtatapat niya sa akin lahat!
Mona Lisa: Tama na!
Hilda Koronel: At nandidiri siya sa inyo, kaya siya naglalasing bago pumasok sa kwarto niyo. Para masikmura kayo!
Mona Lisa: Tama na!
Hilda Koronel: Yun ang sabi niya. Matanda na kayo inay. Kulubot na ang balat niyo. Kaya’t paggising niya sa umaga’y nasusuka siya. Nasusuka sa pagmumukha niyo!!!

3.) A very special Love

John Lloyd: Ano bang gusto mo gawin ko para patawarin mo na ako!

Sarah: Patigilin mo yung ulan!

John Lloyd: Imposible yung hinihingi mo!

Sarah: Eh imposible din naman yung hinihingi mo eh!

John Lloyd: Laida ayaw eh!

Sarah: Suko ka na??

John Lloyd: Ang hirap naman nito eh!

Sarah: Mahirap? Yan, mahirap?? Subukan mo kayang magmahal sa isang katulad mo nang malaman mo kung anong mahirap!

John Lloyd: Alam ko, dahil buong buhay ko sinubukan ko mahalin ang sarili ko nahirapan din ako … And I’m sorry if I didn’t love in the way at the time that you did … pero maniwala ka, maniwala kang minahal kita sa paraang alam ko … I’m a work in progress Laida, ngayon ko pa lang nararamdaman na pwede pala akong mahalin kahit ganito ako … Ngayon ko pa lang natututunan na kaya ko pala magmahal kahit na ano. So please, please don’t give up on me

4.) Got 2 Believe

Rico: Toni sandali lang … Toni please pag-usapan natin ito …

Claudine: Pinuntahan kita sa bahay mo, linunok ko ang pride ko, tinanong kita – bakit ngayon lang?

Rico: Eh para akong mukhang tanga eh, naisip ko … anong mukha ang ihaharap ko sa inyo ni Perry …

Claudine: Huwag mo ako bigyan ng ka-bulshitang sagot! Marami akong trabaho inuubos mo ang oras ko! The least I expect, bigyan mo ko ng sagot ng hindi galing diyan kundi galing dito!

Rico: Na gago ako? Na duwag ako?

Claudine: Bakit?

Rico: Because its true … Toni, I almost lost you … Dahil gago ako at duwag … Natakot akong mahalin ka …

Claudine: At ngayon?

Rico: Ngayon mas natatakot akong mawala ka …

Claudine: Bakit mo ko mahal?

Rico: Hindi ko alam …

Claudine: Hindi mo alam??

Rico: Hindi ko alam, it just hit me! I didn’t even believe in forever Toni … but I think I found forever in you … Toni hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko sa iyo ok? huwag mong isipin yun … Gusto ko lang malaman mo … Gusto ko lang malaman mo na mahal kita … And I’m so sorry.

Claudine: You never say sorry for loving someone … You never say sorry for loving me …

5.) Temptation Island

(Suzanne trips Bambi)

BAMBI: B*tch!

SUZANNE: Darling, hindi ko sinasadya. Hindi kita napansin.

BAMBI: It must have been failing eyesight.

SUZANNE: Oh really now. Twenty-twenty yata ang vision ko.

BAMBI: Sorry huh, I thought that was your bust line. Kunsabagay hindi rin kita napansin, eh ang pandak-pandak mo kasi eh tatabi-tabi ka sa aking towering height. So it must have been my fault after all, b*tch.

SUZANNE: Double b*tch.

JOSHUA: Rub-a-dub-dub, two b*tches in a tub.

One Response to “pinoy movie dialogues 2”

  1. Doni Cifra Says:

    LOL at Rub-a-dub-dub… hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: