bubog

(EMO-CHEESE ALERT!!!)

tumakbo ka na naman sa amin kagabi
naghuhumangos na kumatok sa nakapinid na pinto
at pabulusok na sinalubong ang aking mga tanong.
ngunit alam ko na, bago ka pa man magsalita
ang puno’t dulo ng iyong pagkabahala;
nalasap mo na naman ang pag-ibig na
gumagalos, pumapaltos, at nauupos.

unti-unting pumatak muli sa iyong mga mata
ang mga luhang noon mo pa iniluluha
at habang dumadaloy ang iyong pighati,
isa-isa kong pinulot ang bubog ng inyong pagsasama.
matalim ang bawat piraso, tila naghahanap ng bagong dugo,
ngunit maingat ako, hindi ako nagpasugat,
dahan-dahan kong pinulot at itinapon ang mga ito,
sapagkat katulad mo, sanay na ako,
sanay na akong mabasagan, mawalan, at masaktan.

4 Responses to “bubog”

  1. sanay na akong mabasagan, mawalan, at masaktan.

    matapang ka.
    minsan akong nabububog. masakit.
    bagamat mababaw. mapait.
    tila lanseta na tumurok
    ang talim sa aking puso’y umabot.

    matapang ka.
    duwag ako.
    ayaw ko nang muling mabubog.
    takot ako sa pagpulot ng bawat
    piraso na nagpadugo ng di maawat.

    matapang ka.
    mga maliit na bubo
    naiwan sa loob ko.
    hindi alam kung kailan
    maaalis, walang kasiguruhan.

    takot ako.
    sa bubog ko
    na dulot mo.

    takot ako.

  2. gusto ko ito. ang galing mong tumula sa tagalog. dagdagan mo pa, brod.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: