dubai (work of fiction)

‘Kailan ang alis mo?’

‘Sa susunod na linggo.’

‘Bakit ang bilis naman yata?’

‘Kailangan na daw kasi talaga nila ang mga nurses sa Dubai.’

‘Malayo ang Dubai ah.’

‘Malayo nga.’

‘Siguro pag gabi dito, pa-umaga pa lang doon no?’

‘Ewan ko. Siguro.’

‘Kailangan mo ba talaga umalis?’

‘Napag-usapan na natin ito di ba? Kailangan ko tulungan makatapos mga kapatid ko.’

‘Paano na tayo?’

‘Anung paano na tayo? Makakapag-usap naman tayo sa phone, sa internet.’

‘Pero hindi tayo magkasama.’

‘Ang senti mo naman agad.’

‘Iniisip ko lang ang pwedeng mangyari.’

‘Wag ka nga masyado madrama.’

‘Kung sumunod kaya ako doon?’

‘Ano naman ang gagawin mo doon? Maganda naman ang trabaho mo dito eh.’

‘Wala lang. Para magkasama tayo. At least doon pwede na tayo tumira sa isang bahay.’

‘Huwag na. Malayo ang Dubai.’

Natahimik ako. Tinignan kita at napa-isip, ‘malayo nga talaga ang Dubai, malayo ka na nga’.

3 Responses to “dubai (work of fiction)”

  1. awwwwwwwwwwwww… defy the distance… love conquers all..

  2. hastydevil Says:

    ang sakit ah.

  3. kakaiyak to. malungkot mag-isip ng mga ganitong usapan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: