Bawat Butil ng Palay

bawat butil ng palay ay butil ng pawis
ng bawat aliping aping magbubukid
bawat butil ng palay ay butil ng luha
ng kayraming inang natali sa lupa

bawat butil ng palay ay butil ng dugo
kalansay at bungo ng ating ninuno
butil ng pawis ng luha at dugo
butil ng palay, butil ng ginto

bawat butil ng palay ay sanggol na walang malay
hindi pa man isinilang, nakasanla na ang buhay
bawat butil ng palay ay isang magsasaka
nakasuga sa lupa ang kanyang hininga

bawat butil ng palay ay butil ng buhay
butil ng pag-asang sumibol sa parang
bawat butil ng palay ay isang magbubukid
nagbibigay buhay sa buong daigdig

bawat butil ng pawis ng luha at dugo
butil ng palay butil ng ginto

-Unknown

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: