ayokong magka lablayf

ayokong maglablayf kase ayokong napupuyat. ayokong nawawalan ng pagkakataon makatulog dahil palagi kayo magkasama pero wala naman kayo ginagawa.

ayokong nawawalan ng oras mag gym kasi yayayain ka nya  na manood na lang ng sine o kumain o mamasyal o kumain o magkape o kumain. ayokong tumaba.

ayokong nauubusan ng pera kasi palagi kayong may date. palagi kayong lumalabas. kailangan may regalo pag monthsary, anniversary, valentines, birthday. ilang sapatos at pantalon rin sana mabibili ko dun sa pera na pinanlalabas namin.

ayokong palaging absent sa picture pag may event ang barakada o ang pamilya kasi palaging busy sa kanya.  ayokong nawawala na lang bigla sa mga plano at di mahagilap ng mga kaibigan kasi nag-aadik sa isang tao. ayoko yung kelangan pa silang suyuin ulit at mag sorry na naging out of touch para lang may kainuman pag nag break kayo ng kinaadikan mo.

ayoko ang feeling na may naka-attach sa akin na heart monitor at kailangan ko itext kung ano ginagawa ko, asan ako, kamusta ako, sino kasama ko, kumain na ba ako at kung anu-ano pa on a regular basis. ayokong tumira sa big brother house.

ayokong palaging may consultation. saan tayo pupunta? ano gagawin natin? maganda ba to? bagay ba? san tayo kakain? ayokong palaging iconsider ang gusto nya at ibalance yun sa gusto ko para masabi na we compromise.

ayokong magkalablayf kase ayokong kabahan na baka matapos na agad. na baka ayaw na nya. na baka masanay ako sa mga gusto nya kainin, puntahan, panoorin, sa sleeping habits nya, sa mga trip nya, na kapag nawala sya yun pa rin ang gagawin ko, kakainin ko, pupuntahan ko- yun nga lang ako na lang mag-isa.

ayokong magkalablayf kase ayokong mag-invest ng oras, ng panahon, ng pera, ng tiwala, ng pag-asa sa isang bagay na maari din naman mawala.

at higit sa lahat, ayokong magkalablayf kase ang pangit naman tignan kung gustong-gusto kong maglablayf pero wala pa rin hanggan ngayon. mas ok na yung ayoko at least pag may nagtanong kung bakit wala akong kahawak ng kamay,  sasabihin ko ‘eh ayaw ko eh’. single na nga ako, mawawalan pa ko ng self-esteem sa inability ko na magkalablayf. wag na uy. ayaw ko naman talaga eh. ayaw ko. ayaw ko. ayaw ko. pramis.

5 Responses to “ayokong magka lablayf”

  1. Nalungkot naman ako dito. Parang gusto kitang murahin hehe.

    Miss you sunshine.

  2. armedlittleboy Says:

    hamishu too jhoy!!!

    malungkot talaga ang buhay

    get used to it

    hehe

  3. innocent bystander Says:

    aampunin ko na ang entry na to kasi wala na tong silbi sayo…

    bastardo

    i hate you na talaga

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: