game over. play a new game?

(WARNING: MUSHY AT MINADALI)

nauso noon ang mario brothers

noon bata pa ako

halos lahat ata may bala ng mario

halos lahat adik sa mario

pero hindi ako

frustrating sa akin ang mario bros

panu kasi pag na dead ka, uulitin mo na naman ang stage 1

kahit ano pa ang sanhi ng pagkamatay mo, mahulog, masunog, o madikit sa mga kalaban

repeat stage 1 ka

nakakainis

na kailangan mo ulit daanan mula umpisa upang makarating sa pinakamalayo mong napuntahan

frustrating kumbaga

start from the beginning ka.

ang hindi ko alam, isang malaking mario bros pala ang pag-ibig

madali ang ma-dead

at kapag game over ka na, ano man stage ang narating mo

ilang mushroom man ang nakain

o gintong barya ang nakuha mo,

uulit at uulit ka sa umpisa

kahit sino pa ang kalaro mo.

dadaan ka sa stage 1 (na sisiw na sa iyo)

patungo sa stage 2, 3, 4

hanggang sa stage na di mo malampalampasan

at gagawin mo ang lahat para di madead

kasi sino ba naman ang gustong umulit sa stage 1?

sa stage na mag-uumpisa ka muli

mag-iipon muli ng kabute o tiwala o barya o ngiti.

at kapag wala pa rin nangyari

nasa sa iyo na ang desisyon

pwede ka naman maglaro at umulit buong gabi

buong buhay

patuloy ka tatanungin ng play again? hanggang di ka nakakarating sa katapusan.

nasa sa iyo na ang desisyon

play again?

yes or no?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: