gaano mo ko kamahal?

isang gasgas na linya mula sa mga taong hindi nakakaunawa ng pagmamahal

ang pagtatanong ng gaano ay pagsukat sa pag-ibig

the quantification of love

mahal mo ba ako?

medyo. masyado. di gaano. sobra. labis. kulang.

mga pang-uring walang saysay sa usapin ng pag-ibig.

kung mahal mo ang isang tao, mahal mo sya. tapos.

wag mong itanong kung gaano

itanong mo kung paano

sapagkat dito nagkaka-iba ang pagmamahal

a qualitative look on love.

paano ka niya minahal?

minahal niya ako ng walang pakundangan.

minahal niya ako ng walang pag-aalinlangan.

minahal niya ako kasabay ng pagmamahal niya sa iba.

minahal niya ako ng nakangiti.

minahal niya ako sa pananakit.

sa usapin ng sakitan. panloloko. panlilinglang. at pag-ibig

madalas marinig ang

‘niloko ka niya dahil hindi ka niya masyadong mahal’

o

‘sobrang pagmamahal niya sa iyo kaya niya nagawang saktan ka’

walang kahahantungan ang usaping ito

kung ang pag-ibig ay sinusukat upang malaman ang kahihinatnan.

the reason

kung bakit may nanloloko, nananakit, nang-iiwan, at nagtitiis

ay sapagkat ito ang pagmamahal para sa kanila.

ang pag-ibig ay malaya: pwedeng mahalin ang kahit ilan

ang pag-ibig ay pag-aari: mahal kita kaya sumunod ka sa gusto ko

ang pag-ibig ay tapat: ikaw lang. ikaw lang. ikaw lang.

ang pag-ibig ay may katapusan: iiwan kita, wag kang mag-alala

ang pag-ibig ay lubos: kahit ano gawin mo di ako tututol

ang pag-ibig ay pagtanggap: niloloko nga niya pero mahal ko sya

at marami pa

in other words

ang pag-ibig ay depende sa umiibig

ang pag-ibig ay ako.

2 Responses to “gaano mo ko kamahal?”

  1. gusto mo ng pag-ibig?🙂

  2. hindi ko masukat gano kita kamahl.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: