Archive for January, 2009

hhhhmmm…

Posted in Uncategorized on January 31, 2009 by armedlittleboy

“Is it possible, that we can love someone and never be afraid of losing them? Is it also possible that we can live our entire life without loving anyone at all? That’s my loneliness.”

-Love of Siam

gaano mo ko kamahal?

Posted in Uncategorized on January 21, 2009 by armedlittleboy

isang gasgas na linya mula sa mga taong hindi nakakaunawa ng pagmamahal

ang pagtatanong ng gaano ay pagsukat sa pag-ibig

the quantification of love

mahal mo ba ako?

medyo. masyado. di gaano. sobra. labis. kulang.

mga pang-uring walang saysay sa usapin ng pag-ibig.

kung mahal mo ang isang tao, mahal mo sya. tapos.

wag mong itanong kung gaano

itanong mo kung paano

sapagkat dito nagkaka-iba ang pagmamahal

a qualitative look on love.

paano ka niya minahal?

minahal niya ako ng walang pakundangan.

minahal niya ako ng walang pag-aalinlangan.

minahal niya ako kasabay ng pagmamahal niya sa iba.

minahal niya ako ng nakangiti.

minahal niya ako sa pananakit.

sa usapin ng sakitan. panloloko. panlilinglang. at pag-ibig

madalas marinig ang

‘niloko ka niya dahil hindi ka niya masyadong mahal’

o

‘sobrang pagmamahal niya sa iyo kaya niya nagawang saktan ka’

walang kahahantungan ang usaping ito

kung ang pag-ibig ay sinusukat upang malaman ang kahihinatnan.

the reason

kung bakit may nanloloko, nananakit, nang-iiwan, at nagtitiis

ay sapagkat ito ang pagmamahal para sa kanila.

ang pag-ibig ay malaya: pwedeng mahalin ang kahit ilan

ang pag-ibig ay pag-aari: mahal kita kaya sumunod ka sa gusto ko

ang pag-ibig ay tapat: ikaw lang. ikaw lang. ikaw lang.

ang pag-ibig ay may katapusan: iiwan kita, wag kang mag-alala

ang pag-ibig ay lubos: kahit ano gawin mo di ako tututol

ang pag-ibig ay pagtanggap: niloloko nga niya pero mahal ko sya

at marami pa

in other words

ang pag-ibig ay depende sa umiibig

ang pag-ibig ay ako.

pppffffftttt

Posted in Uncategorized on January 12, 2009 by armedlittleboy

they always have a problem with it

those who have held hands with me

whenever i say that everything ends

including our hand holding

they would always have this stony expression

that makes the fear in their eyes stand out

and their voices quiver as they say ‘you wont even exert an effort to make it lasts?’

that’s when i know they did not understand

the truth

everything ends.

we commit, yes, for love,

to the here and now,

to our waking hour,

and the passing minutes.

but not to the future,

not to tomorrow,

not even to the next movement of the hands of the clock.

it will be an exercise in futility.

to promise that  we will be here

in love.

i think,

commitments should not be about staying in love

but about exerting an effort to stay in love

to be with each other

until the very last ember dies out,

and then to go our separate ways.

my mom is evil 5

Posted in mom on January 1, 2009 by armedlittleboy

(watching TV patrol world. Diane Castillejo reporting about Manny Pacquaio’s new baby girl)

Diane: …. tuwang-tuwa si Manny sa pagsilang ng kanilang bagong anak na si Queen Elizabeth…. napag-usapan kung si Manny ba o si Jinky ang kamukha….. marami ang nagsasabi na kamukha ni Manny ang kanyang bagong silang na bunso

Mom: naku. eh di ang pangit nung batang yun

Me: =o

best supporting actress

Posted in Uncategorized on January 1, 2009 by armedlittleboy

sabi ko na nga ba

iba talaga

pag si mani

2008 metro manila film festival best supporting actress

ms manilyn reynes!!!

im so happy for you mani

isa akong masugid na taga hanga

alam mo ba na una kong pinanood ang pelikula mong “one night only’?

elibs na elibs ako sa acting mo dun

biruin mo napaniwala mo kong tomboy ka talaga

kahit tumaba ka ng konti

at medyo nagmukha kang monay na nagsasalita on screen

you were able to deliver the emotions that each scene requires

kudos to a fine performance!!!

truly, you cannot put a good artist down.

sana idisplay mo yung trophy sa set ng Moms

para malaman ng 2 co-hosts mo kung sino talaga ang star ng show

at di ka agawan ng sound bites.

again

congratulations Ms Manilyn Reynes!!!

The Star of the New Decade!!!