SM

(warning: mushy)

Sabi ng SM, ‘we have it all for you’

sabi ko naman, maaring totoo nga ito, dahil sa dinami-dami ng malls sa metro manila, sa SM malamang sa hindi ang palagi kong pipuntahan pag kailangan kong mag grocery, magbayad ng bills, at mag shopping

kahit na maraming tao

mahaba ang pila sa counter

at nasa mga dulong bahagi ang mga CR

SM pa rin ang madalas kong puntahan

kasi nga ‘we have it all for you’

kumpleto ang mga produkto, maraming mga brands, di mabilang ang pagpipilian

lahat ng hahanapin mo sa isang mall ay andun na, they have it all eh

huwag ka nga lang humanap ng pag-ibig o ng fulfillment o ng contentment

malaki ang chance na wala kang makikita, kung meron man im sure out of stock na ang mga ito at may waiting list pa for the next hundred years.

walang pag-ibig sa SM

at walang SM na pag-ibig

walang tao that will have it all for you,

no perfect person

nor will there ever be a perfect job, a perfect life.

parating may kulang

parating may hahanapin ka

sa pag-ibig, sa trabaho, sa buhay

kumbaga sa shopping list, meron at merong isang item na di mo machechekan

isang item na kahit anung gawin mong paghahanap ay di mo matatagpuan sa mall na pinasukan mo

pero nasa sa iyo kung pupunta ka sa ibang mall para sa item na yun o hahayaan mo na lang na di mo mabili

may lumilipat ng mall, meron naman hindi

pero kahit ilang beses kang lumipat

at kahit kaninong kamay ang hawak mo, o trabaho na ginagampanan mo

parating may kulang

parating may hahanapin ka

pero isang bagay ang di dapat makalimutan

ikaw ang gumawa ng shopping list

ikaw ang nagdadagdag ng items

at ikaw rin ang magbubura.

3 Responses to “SM”

  1. loved this. super.

  2. weeeeh..

    ganda ng analogy mo.. this one is worth citing.. ^____^

  3. Erick Sanohan Says:

    galing mo….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: