dahil wala akong magawa, umuulan, at may writer’s block ako

(not recommended for reading. pramis. walang kwenta)

ang lablayf ko ay parang olympics. bawat isa sa mga naging ex ko ay maihahalintulad sa mga larong bumubuo sa paligsahan na ito.

ex #1- 50 meter dash

kakasimula pa lang, natapos na agad. kumbaga sa boxing, knock out na sa first round pa lang. feeling mo tuloy di sulit yung binayad mo. nawala lang sa wala ang pinambili mo sa mga ticket sa sinehan, burgers sa jollibee, at pamasahe papunta at pabalik sa mga tagpuan.

na-realize ko na kahit gaano pala ko katagal nag train at nagdasal, isang pitik lang pwede ako tumumba. buti kamo na-uso ang mag celebrate ng monthsary, kaya at least isang beses nakatikim ako ng ‘yehey, tayo pa rin’ celebration.

ex #2- synchronized swimming

maganda tignan. may ritmo. may grace. parang magic. pero may katapusan ang routine. at malamang sa hindi hingal ang aabutin ng mga manlalaro ng event na ito. isang malaking effort para sa isang napakagandang palabas.

ito ang klaseng event sa olympics na hindi ang katapusan ang mahalaga. walang finish line. walang end of round 1. ito ang event na kung saan di lamang ang katapusan ang pinag-uusapan. kung hindi pati na rin ang simula, ang gitna, at ang bawat segundong paglutang, paglubog, at pag-ahon.

dito na-realize ko na ang magic pala ay pinaghihirapan. na sa ganitong event, hindi pwedeng siya lang ang lumalangoy, hindi pwedeng siya lang ang nag-eeffort. dahil kung hindi, lulubog kami pareho. natapos ang routine, napagod ako, napagod siya. pareho kaming hinihingal. pero, cliche man kung sabihin, totoong ‘its all worth the effort’.

ex #3- riffle shooting

ito ang sport na hindi pupuno ng stadium. at malaki ang chance na hindi ito mapapanood sa telebisyon. ito ang sport na walang nanonood.

kasi naman, sino ba ang manonood sa isang event na di mo alam ang nangyayari? mabibingi ka lang sa pagputok ng mga baril pero di mo alam kung natamaan ba o hindi ang target. saka mo na malalaman ang nangyayari pag tapos na ang lahat.

walang katiyakan. basta bumaril ka lang ng bumaril. di mo alam kung nananalo ka o natatalo. di mo alam kung ano na nga ba ang nangyayari. kung meron man o wala. magkasama nga kayo buong araw pero di mo alam ang totoong score. talo pa ang miss universe sa suspense. pero obviously, di ako ang nag uwi ng medalya. di ko natamaan ang target. at di ko alam kung bakit. basta ang sigurado ko, tinutok ko ang baril at pinindot ang trigger. yun lang. at ano mang apela ang gawin ko wala ng mangyayari. ubos na ang mga bala ko.

(tapos)

3 Responses to “dahil wala akong magawa, umuulan, at may writer’s block ako”

  1. 1sheep2sheep Says:

    kakaiba ka talaga magsulat marwin. bwisit ka.😛

  2. armedlittleboy Says:

    fatty, fatty, fatty

    isa lang ang ex mo

    wala lang

    lolz

  3. like!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: