Archive for February, 2008

i am a writer.

Posted in Uncategorized on February 26, 2008 by armedlittleboy

i am a writer.

i do not paint.

i cannot express my love in bold strokes and shouting colors that demand attention and awe .

it would not be displayed in big galleries for all people to admire and envy.

i am a writer.

i do not sing.

i cannot sing you my love in haunting melodies that pervade the air long after the last note has been played.

its lyrics would not be memorized by love-struck girls nor be used for serenades by ardent boys.

i am a writer.

write is all that i can do.

it is only with words that i can express my feelings towards you.

rather than bright colors or dancing melodies, all you would have are words written in plain paper.

you would probably read it alone. in your room.

you would unfold it with yourself and read it as if i am whispering every words in your ears.

and you will realize that love does not always come in varied colors and graceful tunes.

sometimes love is as simple as words written in paper.

to be folded and kept between the pages of an old and dusty book.

hidden from prying eyes and inquisitive ears.

a love that is not shouting nor proud.

but a love that is quite in its magnitude. deafening in its silence.

i am a writer.

this is all i could offer.

a love to be kept between pages.

a letter to be shared between hearts.

Advertisements

gayun pa man

Posted in Uncategorized on February 13, 2008 by armedlittleboy

gayun pa man,

ilalamay ko ang magdamag

sakaling luminaw ang iyong isipan

at pasyahing balikan ang nakaraan.

gayun pa man,

nakadilat kitang hahalikan

upang di mapawi ng iyong mga labi

ang ala-ala ng iyong paglisan.

gayun pa man,

sisiimin ko ang bawat sandali

na tila isang pangakong di binitiwan

isang halik na walang katapusan.

gayun pa man,

patuloy ang pintig ng aking puso

bilang ala-ala sa bakas ng iyong paglisan

pagkirot na katumbas ng bawat hakbang.

gayun pa man,

ako ay mananatiling umiibig

habang nakadilat at nagmamasid

umaasa ngunit naghahanda.

sapagkat ganito ang pagtangi

sa pagsamong masumpungin,

handang lumigaya at tumangis

sa kahabaan ng isang saglit.

measured

Posted in Uncategorized on February 3, 2008 by armedlittleboy

I refuse to be measured by 9 to 5s

nor by the number of digits in my paycheck

i would not follow the directions written in peso, dollar, or any other currency.

my years would not be defined by quotas

and my months will not be remembered through projects.

my memories shall not be cluttered by the quality of my reports

and my pride will not be boosted by excellent presentations.

i will not look back and remember with a smile the endless powerpoint slides

nor the similarly endless notes that accompany them.

i will not be defined by my work.

i will not be measured by the things that i do not hold dear,

because rather than be measured,

i would live.

si rona patola at ang ginisa gang

Posted in Uncategorized on February 2, 2008 by armedlittleboy

natutulog ng mahimbing si rona patola sa bukirin ng siya ay nagising sa mga ingay ng mga naghihiyawang gulay

“ayan na! ayan na sila!”

“malapit na sila mga gulay!”

“paparating na ang ginisa gang!”

at totoo nga, nakita ni rona patola sa di kalayuan ang kinatatakutang ginisa gang. ang mga sandok, kawali, mantika, at mga ginisa mixes na nagmamartsa papunta sa kanilang bukirin.

naramdaman niya ang kaba at ang matinding takot

nandito na ang matagal na sinasabi ng kanyang mga magulang. ang kinatatakutan ng lahat sa bukirin

ang ginisa gang

ang gang na dumudukot sa mga gulay upang igisa

halos lahat ng gulay na umusbong sa bukid na ito ay kinuha ng ginisa gang at di na muling nakita.

ito ang pumasok sa isip ni rona habang pinagmamasdan ang papalapit na gang at mga gulay na umiiyak sa kanyang paligid

ang mga upo, kalabasa, sitaw at ang mga iba pa ay nakahandusay sa lupa at nag-iiyakan sa kanyang paligid

“kukunin na nila tayo waaaahhhh” ang iyak ng upo

“tayo ay lulutuin at igigisa huhuhuhu” ang sambit naman ng sitaw

bumaba si rona patola sa kanyang pwesto at nilapitan ang mga ito

“bakit kayo umiiyak at nakahandusay na lang sa lupa? kung ayaw nyo magisa bakit di kayo tumakbo at magtago? o kaya ay lumaban sa ginisa gang” ang tanong ni rona

napatigil sa pag- ngawa ang mga gulay at napatitig kay rona

tumayo si upo at nagsalita “batang patola, ilang daan taon na pumupunta ang ginisa gang sa bukid na ito at kinukuha ang mga gulay upang igisa”

“ang mga magulang ko at mga magulang ng mga magulang ko ay dinakip ng mga ginisa gang at niluto, ito ang ating kapalaran bilang gulay” ang sabat ni sitaw

“ito ang batas ng buhay” sambit naman ni kalabasa

“kung kaya wala na tayo magagawa kung hindi umiyak at hintayin ang ating kapalaran” ang huling pahayag ni upo

at ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-iyak

napakunot ang noo ni rona, “bakit ganyan ang inyong iniisip? paano natin malalaman na wala na tayo magagawa kung hindi natin susubukan? gusto ba natin magisa ng walang kalaban-laban?”

umiling ang mga gulay sa sinabi ni rona

“bata ka pa nga rona patola, marami kang masyado pangarap. may mga bagay na di mo mababago” ang tugon ni upo

hindi makapaniwala si rona sa narinig. bakit ganito ang iniisip ng kanyang kapwa gulay? bakit hinihintay na lang nila na kunin ng ginisa gang upang lutuin?

‘hindi mangyayari sa akin ito’ isip ni rona. ‘ako ay hindi igigisa kasama ng sibuyas at kamatis upang lagyan ng miswa. lalabanan ko ang aking tadhana’

sa ganitong pag-iisip tumakbo si ronna patungo sa talahiban

naririnig niya ang papalapit na ginisa gang at ang mga hiyaw ng mga gulay na nadakip na ng mga ito.

patuloy siya sa pagtakbo kahit matalas ang mga talahib hanggang umabot siya sa ilog

nahiga siya sa ilalim ng puno ng mangga at nakatulog dahil sa pagod

nagising siya dahil sa mga boses sa paligid

“bakit kaya may patola sa ilalim ng mangga?”

” aba oo nga ate ano?”

nakita ni rona patola ang isang magandang babae at ang kasama nitong bata na nakatingin sa kanya

binuhat siya ng babae at pinagmasdan

kinabahan si rona patola

‘naku ano kaya ang gagawin sa akin ng babaeng ito’ isip niya

‘siya ba ay kasama ng ginisa gang?’ ang pangamba na naramdaman ni rona

binitbit si rona patola patungo sa isang bahay at doon ay binilad siya sa may hardin

mainit ang sikat ng araw at unti-unting nararamdaman ni ronna na siya ay gumagaan

nagbabago rin ang kanyang ano, nagiging brown na siya mula sa pagiging berde na gulay

at isang araw ay kinuha ang kanyang mga buto at isinaboy sa lupa ng hardin

nalilito si rona patola

‘ano ang nangyayari sa kanya?’

hanggang sa isang araw ay kinuha ng siya ng magandang babae at dinala sa banyo

siya ay binasa at ikiniskis sa balat ng magandang babae

‘aba! ako ay isa ng loofah!” isip ni rona

natuwa si rona sa pangyayari

mula sa pagiging patola ngayon ay loofah na siya

tiyak na magugulat ang mga kapwa gulay niya sa bukirin na maaring naigisa na at di na muling makikita

ngunit siya dahil sa kanyang pagtakbo ay di iginisa at naging isang loofah

——– the end———-