pag-apuhap

Tumakas kanina ang mga kataga sa aking kamalayan,
Dahan-dahang humakbang papalayo sa aking ulirat,

At isa-isang dumausdos sa pasilyo ng ating kahapon;

Naglaho silang parang mga tala sa sikat ng araw
Naroroon ngunit di maaninag
Tinatanaw ngunit di masipat;
Kung sakaling bang maapuhap ko muli
ang mga kataga ng ating kahapon
at ialay sa iyo ang bawat porma at agos,
maigi mo ba itong itatago ng di na muling maglaho?
Aamin ako sa pakawalang paghawak sa mga ito,
Sa mabuway na pagsasalansan sa mga pangako,
At sa pagsasawalang bahala sa iyong pagsusumamo
Sapagkat hindi ko inasahan na darating ang panahon
Na ako naman ang magwiwika ng iyong mga salita
Na ako na ang mag-aalay ng mga kataga ng paghimok
At sa aking pandama mamamahay ang iyong mga damdamin.

Sa ganitong panahon na kung saan ako ang nagsusumamo
Bibigkisin mo ba muli ang ating kahapon
Upang maaninag ang pagsuyong sa atin ay gumapos?
Naririto ako at nagwiwika ng iyong mga salita,
Bibigyan mo ba ng puwang ang ating gunita?

2 Responses to “pag-apuhap”

  1. innocent bystander Says:

    Pupuntahan kita sa kahapon mamaya.

    Dahil doon lang naman kita siguradong makikita.

    Dahil hindi mo na kayang pumasok sa ngayon at bukas.

    Ang pag-ibig natin ay naglalakad paatras.

    Bibilangin ko muna ang bawat hakbang palayo.

    Hanggang makarating ka sa isang pook sa aking puso.

    Sa lugar kung saan pareho na tayong nakangiti.

    Tatlong linggo bago nang ang tayo’y nasawi.

    Bibigkasin mong muli ang mga matatamis na salita.

    At sa bukas mong palad ako’y mahihiga.

    Sasabihin sa sariling hindi ka naman talaga nawala.

    Hanggang makabalik tayo sa simula.

    Isang hakbang pa at hindi na tayo nagkakilala.

    At sa wakas ay malilimot din kita.

    Magkita man tayo paglaon ng panahon,

    Hindi na kita maaabutan mula dito sa kahapon.

    Mapupuntahan mo na lang ako sa kahapon mamaya.

    Dahil doon mo na lang ako makikita.

    Hindi na ako papasok sa ngayon at bukas.

    Ang pag-ibig natin ay umuwi na sa wakas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: